Nakakatawa lang isipin na ung taong minahal mo dati ng sobra, ngayon eh isa na lang parte ng iyong nakaraan na ayaw mo ng balikan. Hindi naman bitterness ung tamang term, siguro lang kasi wala ng sense para pag-usapan pa - alalahanin kumbaga. Kasi once you go thru all the things that happened before, babalik ka lang dun sa stage na nasasaktan ka dahil iniwan ka. Lalalim ung emosyon, at mabubuo sa puso mo ung galit… Galit na wala naman idudulot na mabuti sayo, makakasakit pa sa kapwa mo.
Sabi nga nila, bago ka magbuklat ng panibagong chapter ng buhay mo, siguraduhin mong tapos ka na sa nakaraan. So once and for all, let out your feelings. I-message mo ung ex mo, murahin mo hanggang gusto mo, magwala ka, umiyak o magpakasawa sa alak… kung un lang ang tanging paraan para mailabas mo ung sakit na nararamdaman mo. Para pagtapos ng lahat, ok ka na. Ung masasabi mo sa sarili mong wala na talaga.
Tama naman kasi ung sinasabi nila, minsan inlove na lang tayo sa ideya na mahal pa naten sila. Baket? eh kasi ayaw mong bitiwan ung memories. Ung bagay na pinanghahawakan mo kasi umaasa ka na isang araw pwede pang ibalik ang lahat ng un. Pilit mong inaalala ung mga panahon kung paano ka niya napasaya at iniiyakan mo pa din ung panahong sinaktan ka nya.
Walang tao ang hindi makakayanan mag move on. Siguro hindi man ganun kabilis ang progress gaya ng sa iba, pero KAYA MO. Minsan kasi ang sakit o lungkot, psychological na lang yan eh.. it’s all in the mind. Nabuhay ka sa mundong ito nung mga panahong hindi mo pa siya kilala. Kakayanin mo ulit mabuhay kahit wala na sya.
Masarap magmahal, masakit. Ganun talaga. Loving is just a cycle. Hanggang hindi mo pa nakikita ung taong nakalaan para sayo, pagdadaanan mo ung mga bagay na napagdaanan mo na. Kaya kung ako sayo, wag kang matatakot magmahal. Ang pagmamahal ay para lang pagsakay sa kabayo. Sa una nakakatakot, tapos dahan dahan. Pag sanay ka na mabilis na hanggang sa hindi mo namamalayan naeenjoy mo na pala. Cyempre kapag nalalaglag ka, masakit. Andun ung trauma na ayaw mo na, pero just keep on riding the horse… eventually matutunan mo rin lahat ng dapat mong malaman.
Just enjoy life. Huwag mong pasanin ang bigat at problema ng mundo. Hindi lang ikaw ang taong nahihirapan o nasasaktan pagdating sa pag-ibig. This is the downside of life, EMBRACE IT. Let go of the things that makes you hurt and welcome the things that makes you happy. :)
bloghopped.:) nice post!
ReplyDelete(o'.'o)
@pishnge Thank you! May pinaghuhugutan e. hihi :))
ReplyDelete