Here comes the BOOM!

Hello there! I am happy to have this opportunity to introduce myself, share a bit about what's happening in my little corner of the globe. Enjoy reading my blog!

Tuesday, August 23, 2011

What is a Pseudo-relationship?

The “parang kayo, pero hindi” stage. Others call it MU or mutual understanding. Pseudo-relationships. Pseudo-boyfriends/girlfriends. Flings. Almost like a relationship, but not quite. It is a phase where the persons involved are more than friends, but not quite lovers. Pwedeng may verbal agreement, pwedeng wala. One or both of you may have admitted your feelings, posible din na hindi. You just let your gestures do the talking for you. Walang pormal na ligawan na nangyari. Hindi kayo mag-on. Pero sa kilos niyo, sa mga sinasabi niyo, parang kayo, pero hindi.
This kind of “relationship” can happen at different stages for different reasons. It can happen before a relationship, iyong pareho kayong nakikiramdam. Possible din na ayaw niyo munang mag-seryoso kaya kunwa-kunwarian lang muna. Testing lang.
This pseudo-relationship stage, for a time, can be fun. Lalo na kung naghahanap ka lang naman ng “kalaro.” Pero huwag ka lang mag-e-expect na may patutunguhan kayo kasi wala talagang kasiguraduhan.
So bakit ang daming nagse-settle sa ganitong setup ganoong hindi naman sigurado kung may patutunguhan?
Iba’t ibang dahilan. Pwedeng for fun lang. Pwedeng “buti na iyan kesa wala” or pwede na iyang “pantawid-gutom.” Meaning, habang wala pa iyong the real thing, doon muna sa kunwa-kunwarian.
For those who are not in a serious relationship, they would think that pseudo-relationship is better than no relationship at all. It would be fun, if all you are after for is that “kilig” feeling.
No commitments involved. For the simplest reason that they couldn’t commit, because they were either committed to someone else, or that they weren’t ready to commit.
Sasabihin nila “okay na iyun, kesa wala.”
Ang habol ko lang naman, iyong kilig feeling. Iyong merong nagtatanong kung kamusta araw ko. Iyong kapag tumunog ang cellphone, mapapangiti na ako dahil alam kong galing sa kanya ang message. Iyong merong laging kasama. Habang wala pa ang the real thing, pwede na itong pagtiyagaan.
But then I learned that although it was only a pseudo-relationship, the emotions were real. And usually, in this kind of set up, ang babae lagi ang lugi.
Una, you can’t ask him to commit. Since it’s not really a relationship, you can’t demand commitment from your partner. Ano ba kayo? May K ka nga ba magpasundo ng hatinggabi? You will always be uncertain about your role in his life. You can’t expect him to be always there with you. And if you feel jealous of the other girls, you just have to keep it to yourself. Ano ka ba niya para magselos?
Pangalawa, what if you fall deeply in love with him? You can’t be sure if he feels the same way. Baka nag-a-assume ka lang na mahal ka rin niya. Even if you are dying to tell him you love him, you can’t. Because you’re not sure if he’ll like it. Baka mapahiya ka lang. This stage will always make you wonder where you are in the relationship. Or if there is a relationship at all.
Pangatlo, what if you become attached too much? What if you have invested all your emotions and this man hasn’t? What if you remain faithful to him, not entertaining other guys, only to find out that he is seeing other girls?
Isa pang downside ng pseudo-relationships, when a disagreement sets in, or when one of you gets cold, then that would be the end of it. Unlike in a serious relationship, hindi mo alam kung saan ka lulugar sa isang pseudo-relationship. Wala kang pinanghahawakan. Kasi sa pseudo-relationship, there is no “us.” Meron lang “you and me,” hindi “us.”
Buti sana kung pseudo-pain din lang ang mararanasan mo. Kaso, hindi eh. Real pain. And usually, kahit tapos na ang pseudo-relationship, hindi mo maiwasan umasang one day, may karugtong pa rin iyun. And you will be miserable, hoping to bring back what you used to have, only to find out eventually that the guy is in another pseudo-relationship with somebody else.
Ang hirap, ano? You agreed to this kind of set up for fun and then you’d end up hurting yourself in the process.
Pero pwede naman maiwasan ang pain eh. Pwede naman na hindi mo muna isipin ang future and just enjoy the feeling, without thinking of the consequences.
But if you are certain that you are going to hurt yourself in the process, kailangan mo mamili. You can be happy and live the moment without worrying what would happen next. Or you can stop settling with pseudo-relationships and wait for the real thing.
Ang bottom line lang naman, kung magpapasaya sa iyo, gawin mo. Ihanda mo lang ang sarili mo sa consequence. Dahil ang “parang kayo pero hindi” stage ay bihirang nagiging totoo. Usually, hanggang doon lang siya almost, but not quite.

Wednesday, July 27, 2011

Gusto ninyo malaman kung gaano ako kababaw?

Haaaaaay. Nagbabackread kasi ako ng mga posts ko sa tumblr. Tapos may nabasa ako na post ko dati. Ayun, ang babaw ko pala. Pero ngayon natututo na ako. Haaaaay. Inintindi ko na lang yung sarili ko nun. Ganun ata talaga pag tinamaan ng selos. Pero naiinis talaga ako sa sarili ko kasi ang babaw ko. As in! I-share ko sa inyo yung post kung saan narealize ko ang kababawan ko. Hahaha! :)))
 Dahil sayo, hindi ako nkpagdinner. Hinihintay kasi kitang mag-online. Ayoko umalis dito sa harap ng computer dahil for sure aagawin ng kapatid ko ito at gagamit na yun magdamag! Kaya di ako umalis dito, sarap pa naman ng ulam namin. Pork Adobo, ako pa nagluto nun kaya panigurado masarap talaga yun. Ngayon nagugutom ako, pero madaling araw na. Ayoko ng bumaba para lang kumain. Inaantok at nagugutom na ako, pero masama daw matulog ng busog kaya matutulog ako ng gutom. Haaaaaaaay. Kung ipinaalam mo lang sa’kin ng mas maaga edi sana, hindi ako gutom ngayon.
Eto pa. . . . .
Hindi na ako dadalaw sa wall mo sa facebook, nkakaistorbo ata ako sa matamis ninyong wall to wall. Hahaha! Sayang lungssssss, di ko makita wall ni gurlalooo eklavoooo! Banas. I posted something on your wall pa naman, pero I deleted it kasi nasapawan nung post nung girlalooo. Hahah. Sweet ng tawagan ninyo, HOY. hahah. Ang kati mo! Excited pumasok bukas? Sarap mo daw kasama eh, sa uulitin pa daw, ULIT ULITIN ninyo pa daw. Kthanksbye.

Last na 'to. . . .

May load po pero hindi sapat mag-unli eh. Sensya po ha hindi nakapagtext. Saka hindi din po ako mkkapag-online eh, maaga kasi pasok ko bukas. Goodmorning kit, goodnight na din.
Kfine. Excuses. WTF. Sana hindi na lang ako nag-unli eh? Hinintay kita mula kninang 8pm mag online, tapos… brrrrr! FYI, maaga din pasok ko bukas/mamaya. Aiyayayay! Ayos eh? Bahala ka na nga. Badtrip talaga ako sayo. Demanding much, GIRLFRIEND ka teh? hahahah! BV! So, mag-out na ako. Wala na pala akong hinihintay e. :|

Oh diba? Haaaay. May nakakaintindi kaya sa'kin kung bakit ako ganyan? :(((((
May gusto pala akong ikwento pero ewan ko ba kung may sense yun, nppraning na ako. Complicated kasi e. Haaaaaaaaaaaaaaaaay.

18 Straight hours with them :))

Actually nung July 16-17 pa ito nangyari, ngayon lang ako nagkaroon ng chance na ikwento. Hahaha. :))
So eto na, ikwento ko na with the help of our pictures :))

Around 5:30pm, pinuntahan ko sila sa St. Thomas Square kasi nandun sila nagkakantahan, super excited lang pagdating ko dun kasi ang tagal din namin di nagkita kasi nga lumipat na ako ng school. Ayun.

Syempre, super picture kami that day. Hihih :))
Ayun, kasama kasi ako sa overnight ng Execom ng DSB (theater org.) may team building kasi nun kinabukasan. Oryt. Medyo nagmamadali akong ikwento ito kasi may pasok ako mamaya. Hahaha. Kaya Let the picture do the talking oryt? :))

Ayun, before kami pumunta sa bahay nila Chiel, nagdinner muna kami. Sarap lang ng kinain namin. :)))

Ayun, super picture kami sa jeep. We're on our way to Chiel's house :))))

May lumaLOVETEAM pa habang nasa jeep kami. :))

Pero teka, magpapatalo ba naman ba ang AMONOY-SAMARITA Couple? hahah :))






Ang saya lang kasi medyo nabuo ang Girl Group namin, wala nga lang yung tatlo. Hihih. :))


Ayun, nagkaroon din kami ng chance ni Dianne na magkwentuhan. :))

It may have ended but the memory lives on. :))

July 16, 2011. Pinanuod namin ang last part ng Epic Series ng Harry Potter. Ayun sobrang saya pero at the same time, sobrang lungkot din. Haaaay. Ayun, I will share some of our pictures :))

Ayun, yabang namin nakaIMAX! hahaha. :)) Syempre, last na eh, sulitin na dapat! Pero di ako masyado natuwa parang okay lang din naman kung di na kami nag IMAX hahahah. Natuwa lang ako sa part dun sa Gringotts Bank, parang nasa roller coaster ako nun e. haha. Saka dun sa abo ni Voldemort nung namatay sya. Galing lang ng effects! :)))

Oh Harry! :))))






After watching kumain kami sa Shakeys, super busog! Monster meal ba naman ang inorder namin ee. hahah. SULIT! :)))


Wednesday, June 8, 2011

All is well :)

Nakakatawa lang isipin na ung taong minahal mo dati ng sobra, ngayon eh isa na lang parte ng iyong nakaraan na ayaw mo ng balikan. Hindi naman bitterness ung tamang term, siguro lang kasi wala ng sense para pag-usapan pa - alalahanin kumbaga. Kasi once you go thru all the things that happened before, babalik ka lang dun sa stage na nasasaktan ka dahil iniwan ka. Lalalim ung emosyon, at mabubuo sa puso mo ung galit… Galit na wala naman idudulot na mabuti sayo, makakasakit pa sa kapwa mo.

Sabi nga nila, bago ka magbuklat ng panibagong chapter ng buhay mo, siguraduhin mong tapos ka na sa nakaraan. So once and for all, let out your feelings. I-message mo ung ex mo, murahin mo hanggang gusto mo, magwala ka, umiyak o magpakasawa sa alak… kung un lang ang tanging paraan para mailabas mo ung sakit na nararamdaman mo. Para pagtapos ng lahat, ok ka na. Ung masasabi mo sa sarili mong wala na talaga.

Tama naman kasi ung sinasabi nila, minsan inlove na lang tayo sa ideya na mahal pa naten sila. Baket? eh kasi ayaw mong bitiwan ung memories. Ung bagay na pinanghahawakan mo kasi umaasa ka na isang araw pwede pang ibalik ang lahat ng un. Pilit mong inaalala ung mga panahon kung paano ka niya napasaya at iniiyakan mo pa din ung panahong sinaktan ka nya.

Walang tao ang hindi makakayanan mag move on. Siguro hindi man ganun kabilis ang progress gaya ng sa iba, pero KAYA MO. Minsan kasi ang sakit o lungkot, psychological na lang yan eh.. it’s all in the mind. Nabuhay ka sa mundong ito nung mga panahong hindi mo pa siya kilala. Kakayanin mo ulit mabuhay kahit wala na sya.

Masarap magmahal, masakit. Ganun talaga. Loving is just a cycle. Hanggang hindi mo pa nakikita ung taong nakalaan para sayo, pagdadaanan mo ung mga bagay na napagdaanan mo na. Kaya kung ako sayo, wag kang matatakot magmahal. Ang pagmamahal ay para lang pagsakay sa kabayo. Sa una nakakatakot, tapos dahan dahan. Pag sanay ka na mabilis na hanggang sa hindi mo namamalayan naeenjoy mo na pala. Cyempre kapag nalalaglag ka, masakit. Andun ung trauma na ayaw mo na, pero just keep on riding the horse… eventually matutunan mo rin lahat ng dapat mong malaman.

Just enjoy life. Huwag mong pasanin ang bigat at problema ng mundo. Hindi lang ikaw ang taong nahihirapan o nasasaktan pagdating sa pag-ibig. This is the downside of life, EMBRACE IT. Let go of the things that makes you hurt and welcome the things that makes you happy. :)

Tuesday, June 7, 2011

Mga lalaking ipinanganak na TORPE

Bakit kaya may mga lalaking ganito? Hindi ba nila alam na marami silang pinapalampas na pagkakataon? Eh paano na lang kung gusto din sya nung babaeng gusto niya? Hinihintay lang siya, ayun wala tuloy nangyayari. Laging dinadaan sa tingin wala naman napupuntahan. Sa tingin ko ang mga taong ganito eto yung mga matataas ang pride, takot sa rejection. Madaming sitwasyon sa pag-ibig na kumplikado at ayokong mapasukan, pero eto na yata ang pinakaayaw ko sa lahat. Saktong sakto yung kanta eh noh? Haaaaaay. Gustong gusto ko din itong music video na ito syempre dahil kay JM De Guzman.

 "At kahit mahal kita, wala akong magagawa. Tanggap ko 'to sinta, PANGARAP LANG KITA."
                                                                                                              -Torpe


Monday, June 6, 2011

Kaya mo bang mahalin ang isang taong alam mong mawawala din sayo?

Line yan sa upcoming movie ni Sam Milby and KC Concepcion. Kung may magtatanong man sa'kin nyan isa lang ang isasagot ko, KAYA KO...KAKAYANIN KO. Sa buhay walang kasiguraduhan, kaya nga may salitang FAITH. Kahit mawala sayo yung taong yun, ang ibig sabihin ba nun eh mawawala na din yung pagmamahal mo sa kanya, hindi naman diba? Based on my experience, if that person left you there will be a part of him that remains in your heart. Gaano mo man ipilit na kalimutan yun, nandun lang yun. Kaya nga may nga taong nahihirapang magmove on or nkamove on na daw pero akala lang nila, kasi kapag nakita nila ulit yung taong naging parte ng buhay nila, yung taong minahal nila ng sobra-sobra, kahit taon na ang nakakalipas lahat yun manunumbalik sa isang iglap lang. Kaya nga may mga risks pag nagmamahal, kasi walang madali sa buhay, kailangan mo matutong lumaban. Marami sa'tin hindi alam ang salitang pag-ibig. Basta may boyfriend/girlfriend, gora lang sila. Ano nga ba ang pag-ibig? Madami ng nasaktan sa isang salitang yan, madami ng umasa't kinitil ang sariling buhay para lang dyan. Ang tanong lang naman eh, worth it ba ang lahat ng yun? Nakakatakot ang salitang pag-ibig pero marami pa din ang may gusto nun dahil na din sa salitang FAITH. Madaming beses na din akong nagmahal pero hindi naiwasan na nasaktan din ako, sa daming beses nun, palagi kong sinasabi na natuto na ako pero hindi pa din pala, kasi naulit pa yun nagmahal, nasaktan, nakalimot, nagmahal, nasaktan, nakalimot. . . .walang katapusan, paulit-ulit, nakakapagod. Sa kabila nun, magmamahal ka pa din, kasi umaasa ka na this time magiging okay na. Bakit ka magmamahal ng isang taong iiwan at sasaktan ka din sa huli? ang katapat na tanong nyan eh, paano mo naman nalaman na iiwan at sasaktan ka nya? Oh diba? Nasa atin lang naman din kasi ang sagot sa mga tanong na yan eh, hindi ka naman siguro iiwan kung ginawa mo ang lahat di bale na lang talaga kung kasing sama na siya ni Gary ng Mara Clara. (hahaha) So, i-aapply ko ulit sa nangyari sa'kin, so may ginawa akong mali, nagkulang ako kaya ako iniwan at sinaktan nun? Sa palagay ko, oo. Mali na sobra ko syang minahal. Next time ko na lang ikkwento yun ah, mahaba at complicated story yun, baka kasi sa makakabasa nito sabihin impokrita ako na yun ang kasalanan ko, sobra akong nagmahal. Actually hindi lang kasi ako iniwan at sinaktan. Niloko ako. Haaaaaaaay. Kaya sa mga magmamahal dyan. Take the risks. Hwag kang matakot masaktan, kasi walang taong nagmahal na hindi nasaktan, parte yun ng buhay pag-ibig. Ang pag-ibig lang naman kasi ang totoo sa mundo. Lahat tayo kayang gawin yun, ang magmahal, pero marami sa'tin hindi kayang panindigan ang salitang PAG-IBIG.