Here comes the BOOM!

Hello there! I am happy to have this opportunity to introduce myself, share a bit about what's happening in my little corner of the globe. Enjoy reading my blog!

Wednesday, July 27, 2011

Gusto ninyo malaman kung gaano ako kababaw?

Haaaaaay. Nagbabackread kasi ako ng mga posts ko sa tumblr. Tapos may nabasa ako na post ko dati. Ayun, ang babaw ko pala. Pero ngayon natututo na ako. Haaaaay. Inintindi ko na lang yung sarili ko nun. Ganun ata talaga pag tinamaan ng selos. Pero naiinis talaga ako sa sarili ko kasi ang babaw ko. As in! I-share ko sa inyo yung post kung saan narealize ko ang kababawan ko. Hahaha! :)))
 Dahil sayo, hindi ako nkpagdinner. Hinihintay kasi kitang mag-online. Ayoko umalis dito sa harap ng computer dahil for sure aagawin ng kapatid ko ito at gagamit na yun magdamag! Kaya di ako umalis dito, sarap pa naman ng ulam namin. Pork Adobo, ako pa nagluto nun kaya panigurado masarap talaga yun. Ngayon nagugutom ako, pero madaling araw na. Ayoko ng bumaba para lang kumain. Inaantok at nagugutom na ako, pero masama daw matulog ng busog kaya matutulog ako ng gutom. Haaaaaaaay. Kung ipinaalam mo lang sa’kin ng mas maaga edi sana, hindi ako gutom ngayon.
Eto pa. . . . .
Hindi na ako dadalaw sa wall mo sa facebook, nkakaistorbo ata ako sa matamis ninyong wall to wall. Hahaha! Sayang lungssssss, di ko makita wall ni gurlalooo eklavoooo! Banas. I posted something on your wall pa naman, pero I deleted it kasi nasapawan nung post nung girlalooo. Hahah. Sweet ng tawagan ninyo, HOY. hahah. Ang kati mo! Excited pumasok bukas? Sarap mo daw kasama eh, sa uulitin pa daw, ULIT ULITIN ninyo pa daw. Kthanksbye.

Last na 'to. . . .

May load po pero hindi sapat mag-unli eh. Sensya po ha hindi nakapagtext. Saka hindi din po ako mkkapag-online eh, maaga kasi pasok ko bukas. Goodmorning kit, goodnight na din.
Kfine. Excuses. WTF. Sana hindi na lang ako nag-unli eh? Hinintay kita mula kninang 8pm mag online, tapos… brrrrr! FYI, maaga din pasok ko bukas/mamaya. Aiyayayay! Ayos eh? Bahala ka na nga. Badtrip talaga ako sayo. Demanding much, GIRLFRIEND ka teh? hahahah! BV! So, mag-out na ako. Wala na pala akong hinihintay e. :|

Oh diba? Haaaay. May nakakaintindi kaya sa'kin kung bakit ako ganyan? :(((((
May gusto pala akong ikwento pero ewan ko ba kung may sense yun, nppraning na ako. Complicated kasi e. Haaaaaaaaaaaaaaaaay.

18 Straight hours with them :))

Actually nung July 16-17 pa ito nangyari, ngayon lang ako nagkaroon ng chance na ikwento. Hahaha. :))
So eto na, ikwento ko na with the help of our pictures :))

Around 5:30pm, pinuntahan ko sila sa St. Thomas Square kasi nandun sila nagkakantahan, super excited lang pagdating ko dun kasi ang tagal din namin di nagkita kasi nga lumipat na ako ng school. Ayun.

Syempre, super picture kami that day. Hihih :))
Ayun, kasama kasi ako sa overnight ng Execom ng DSB (theater org.) may team building kasi nun kinabukasan. Oryt. Medyo nagmamadali akong ikwento ito kasi may pasok ako mamaya. Hahaha. Kaya Let the picture do the talking oryt? :))

Ayun, before kami pumunta sa bahay nila Chiel, nagdinner muna kami. Sarap lang ng kinain namin. :)))

Ayun, super picture kami sa jeep. We're on our way to Chiel's house :))))

May lumaLOVETEAM pa habang nasa jeep kami. :))

Pero teka, magpapatalo ba naman ba ang AMONOY-SAMARITA Couple? hahah :))






Ang saya lang kasi medyo nabuo ang Girl Group namin, wala nga lang yung tatlo. Hihih. :))


Ayun, nagkaroon din kami ng chance ni Dianne na magkwentuhan. :))

It may have ended but the memory lives on. :))

July 16, 2011. Pinanuod namin ang last part ng Epic Series ng Harry Potter. Ayun sobrang saya pero at the same time, sobrang lungkot din. Haaaay. Ayun, I will share some of our pictures :))

Ayun, yabang namin nakaIMAX! hahaha. :)) Syempre, last na eh, sulitin na dapat! Pero di ako masyado natuwa parang okay lang din naman kung di na kami nag IMAX hahahah. Natuwa lang ako sa part dun sa Gringotts Bank, parang nasa roller coaster ako nun e. haha. Saka dun sa abo ni Voldemort nung namatay sya. Galing lang ng effects! :)))

Oh Harry! :))))






After watching kumain kami sa Shakeys, super busog! Monster meal ba naman ang inorder namin ee. hahah. SULIT! :)))